1,746 na mga Crucian ang tatanggap ng Tertiary Education Subsidy (TES) refund. Sinimulan na ang refund distribution nitong Biyernes (November 12) at tatagal hanggang Linggo (November 14).
Sa ilalim ng TES program, binibigyan ng financial assistance ang mga estudyanteng nag-aaral sa pribadong kolehiyo o unibersidad ng P30,000 kada semester o P60,000 sa isang school year. Kung hindi aabot sa ganitong halaga ang tuition ng isang estudyante, maaari niyang i-claim kung magkano man ang sobra.
Nitong Miyerkules, November 10, sinagot ng school administrators ang ilang katanungan ng mga estudyante kaugnay ng kanilang refund.
Narito ang dapat niyong malaman tungkol sa TES refund para sa second semester ng school year 2020-2021:
- Mula November 12 (Biyernes) hanggang November 14 (Linggo) ang distribusyon ng TES refund dito sa Holy Cross College. Dumating sa nakatakdang schedule.
- Sa araw na kayo ay magke-claim ng refund, magdala ng APAT na photocopy ng inyong ID card noong school year 2020-2021. Pirmahan ang mga papel gamit ang blue ballpen. Dapat pare-pareho ang pirma ng estudyante.
- Magdala ng sariling blue ballpen.
- HINDI na kailangan dalhin ang inyong certificate of indigency at certificate of residency.
- HINDI na rin required na kasama ang magulang o guardian sa pagkuha ng TES refund. OPTIONAL na lamang ang kanilang presence sa araw ng refund.
- Magsuot ng face mask at face shield. Huwag ding kalilimutang i-practice ang social distancing sa kabuuan ng proseso ng refund.
- Kung TES grantee ka ng HCC noong nakaraang academic year at nag-transfer sa ibang paaralan ngayong taon, maari mo pa ring makuha ang TES refund mo.
- Kung hindi ninyo personal na makukuha ang inyong refund, maaari namang ipa-claim ito sa isang authorized person. Dapat lamang ay makapagpakita sila ng special power of attorney para ma-claim ang refund.
- Narito ang listahan ng mga estudyanteng tatanggap ng TES refund: https://bit.ly/3omG9MF
Kung may katanungan, mag-message lang sa Holy Cross College official Facebook account.