Ito po ang kasagutan sa mga tanong ninyo kaugnay ng Tertiary Education Subsidy:
Q: Ano po ba ang TES?
A: Ang Tertiary Education Subsidy ay ayuda ng gobyerno para sa mga estudyante sa State Universities and Colleges at CHED-recognized Local Universities and Colleges, gaya ng Holy Cross College. Simula 2018, libre na po ang tuition ng mga estudyanteng pumapasok sa mga SUC at LUC, sa ilalim ‘yan ng RA 10931 (Universal Access to Quality Tertiary Education Act). P30,000 pesos kada semester ang tatanggaping ayuda ng bawat estudyante.
Q: Ano po ang mga requirement para sa TES?
A: Certificate of Indigency (3 photocopies on long bond paper)
Certificate of Residency (3 photocopies on long bond paper)
Birth Certificate (3 photocopies on long bond paper)
Paalala: Naka-petsa dapat ang certificate of indigency at residency ng July 27, 2021 onwards.
Isa-submit ang mga TES requirement sa opisina ng registrar.
Q: Sino po ang kwalipikado sa TES grant?
A: Ang mga TES grantee sa HCC, dapat residente ng Sta. Ana, Pampanga. Bilang patunay, kailangan ang certificates of residency at indigency mula sa barangay kung saa nakatira ang aplikante.
Q: Kailan po ang submission ng TES requirements para sa school year na ito?
A: Meron po tayong sinusunod na schedule sa pagsa-submit ng TES requirement. Makikita ito sa Facebook page ng HCC-Registrar: https://www.facebook.com/hccregistrar
Para sa mga hindi makakasunod sa schedule dahil sa emergency o mabigat na kadahilanan, pwede namang magpa-reschedule. Hangga’t maaari, sundan natin ang schedule na itinakda para matupad ang social distancing at mas mabilis na proseso. Huwag ding kalimutang magsuot ng face mask at face shield.
Q: Hanggang kailan ang submission ng TES requirements?
A: Ang deadline po ay August 16 (Monday).
Q: Kailan po magsisimula ang distribution ng TES refund noong last academic year?
A: Magsisimula po ang distribution sa August 13 (Biyernes). May schedule po para sa bawat estudyante. Pwede ninyong i-check ang schedule sa ating website. I-click lang ang link na ito: https://holycrosscollegepampanga.com/distribution-of-tes-refund-august-13-14-and-15/
Q: Ano po ang mga requirement para makuha ang TES refund?
A: School ID noong academic year 2020-2021 (3 photocopies on long bond paper; pumirma sa sentro ng bawat kopya)
Blue ballpen
Q: Sino ang dapat isama kapag kukuha ng TES refund?
A: Isang parent o guardian na pipirma sa mga dokumento. Kung ang guardian ay nasa edad 65 or above, pwedeng pumunta ang isang representative ng HCC para hingin ang kanilang pirma. Handang magbigay ng konsiderasyon ang Paaralang May Puso para sa mga special case.
Q: Paano po kung hindi makakapunta sa schedule ng TES refund?
A: Pwedeng i-reschedule ‘yan, basta may mabigat na dahilan kung bakit hindi nakapunta sa nakatakdang araw. Hangga’t maaari, sumunod po tayo sa schedule para mas mabilis ang proseso. Pwede namang ma-excuse ang mga may klase sa araw ng refund distribution, basta nakapagpaalaam ng maaayos at pinayagan ng professor o teacher.
Q: Ano po ‘yung Landbank registration para sa TES refund?
A: Pinanukala ng Commission on Higher Education na i-diretso na sa ATM card ng bata ang refund. Kaya kinakailangan ng mag-apply ng mga TES grantee sa Landbank para magkaroon ng cash card. Dito papasok ang pera mula sa TES.
Q: Paano po ako magkakaroon ng Landbank cash card?
A: Ito po ang tutorial ng Landbank kaugnay ng cash card registration:
Handa po ang staff ng office of the registrar para tulungan ang mga magre-register.
Q: Makukuha ko po ba ang refund ko kahit hindi pa ako naka-register sa Landbank?
A: Opo. Pero simula next semester, ipapasok na sa cash card ang refund, kaya mainam na mag-register na.
Q: Kasali na po ba ang mga bagong first year college student sa distribution?
A: Hindi pa po. Makikita po natin sa website ang listahan ng mga tatanggap ng TES refund. Pwedeng i-access ‘yun dito: https://holycrosscollegepampanga.com/distribution-of-tes-refund-august-13-14-and-15/
Q: May tanong pa po ako regarding sa TES, sino pong pwede kong lapitan?
A: Pwede niyo pong panoorin ang buong episode ng Barkadahan sa Paaralang May Puso kung saan tinalakay ang TES. I-click ang link na ito: https://www.facebook.com/watch/live/?v=185223960211541&ref=watch_permalink
O di kaya naman, i-message niyo po kami sa ating official Facebook page o tumawag sa office of the registrar sa numerong 09190667248. Bukas po ang registrar mula Lunes hanggang Biyernes, 8 AM to 5 PM.
Kung hindi nasagot ng post na ito ang inyong mga katanungan, huwag mag-atubiling lumapit sa amin.
Tandaan: para sa inyo ang TES.